Posts

Showing posts from October, 2021

Panimula 💓

Magandang umaga sa lahat! Napagdesisyunan kong gumawa ng blog dahil pakiramdam ko mas mailalabas ko dito ang aking mga saloobin imbes na sa ibang social media platform na sobrang toxic na at madalas pakiramdam ko, hindi naman lahat ng nandun concern sa'yo, baka nga ikaw pa ang tampulan ng chismis sa ibang messenger group/app na hindi ka kabilang.  Pinili kong dito magsulat sapagkat mas masasabi ko lahat ng aking saloobin nang walang alalahanin na baka maging tampulan ako ng tukso ng mga kaibigan o ng mga kamag-anak na may ibang pananaw. Isa sa pinakagusto kong linya sa libro ni Bob Ong ang linyang "Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. " Minsan na akong napahawak dahil inilihad ko ang aking saloobin sa hindi pantay na pagtrato sa aming departamento, ngunit ang mga katulad kong ordinaryo...